Thursday, August 11, 2011

Duck




.

Alam nyo ba?

Alam nyo ban a ang ginagamit ng pato o duck sa kanilang paglangoy ay ang kanilang mga paa?Oo, nagsisilbing sagwan ang kanilang tila my sapot na paa para sila ay makalangoy. Dahil din sa ganitong desinyo ng kanilang mga paa ay hindi nakararamdam ng lamig ang kanilang mga paa kahit pa maglakad pa sila sa yelo. Bakit? Eto ay dahil walang ugat o blood vessels sa kanilang pa. hindi rin nababasa ang kanilang pakpak dahil mayroon silang tinatawag na “preen gland” na malapit sa kanilang buntot. Dito nakaimbak ang langis na dumadaloy sa pakpak nito kaya nagiging “water-proof” sila at hindi nilalamig kahit na lumangoy sila sa tubig habang umuulan. Nabubuhay ang mga pato ng 2 hanggang 20 taon.

Tuesday, August 2, 2011

Affection


ALam nyo ban a sa pag-aaral, lumalabas na ang pinakaimportanteng bagay sa isang relasyon ay ang “affection” o pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng paghawak sa taong iyong mahal.
Sumunod lang ditto ang komunikasyon habang ang “sex” naman ay ika-walo lang sa mga listahan. Ang isang pangkaraniwang tao ay sinasabing nai-in-love ng pitong beses bago tuluyang ikasal.
Si Julius Caesar ay 54 anyos na habang si Cleopatra ay 22 anyos lang ng sila ay magkaroon ng relasyon.

Alam nyo ban a ang salitang “bible” ay mula sa Greek word na “biblion” na ang ibig sabihin ay libro.

general election


Alam nyo ba na ang kauna-unahang general election sa bansa ay ginanap noong July 30, 1907 sa pamamahala ng American government. Pinagbobotohan ang mga magiging miyembro ng First Philippine Assembly.